Duterte personal na makikiramay sa pamilya ng mga biktima

Sinabi ni dating Presidential Assistant to the President Bong Go sa Malacañang reporters na ngayong alas-11:00 ng umaga (Martes) dadalaw si Pangulong Duterte sa burol ng minasaker na mga magsasaka na miyembro ng Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Sagay City.

MANILA, Philippines — Personal na makikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng nasawing mga sugarcane farmers na minasaker noong Sabado ng gabi sa Sagay City, Negros Occidental.

Sinabi ni dating Presidential Assistant to the President Bong Go sa Malacañang reporters na ngayong alas-11:00 ng umaga (Martes) dadalaw si Pangulong Duterte sa burol ng minasaker na mga magsasaka na miyembro ng Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Sagay City.

Mula sa Sagay City, nakatakdang dumalaw din sa burol ng napaslang na pulis at bibisitahin din ang mga nasugatang pulis sa Naga City ngayong hapon.

Show comments