Rating ni Robredo nanatili

Batay sa resulta ng latest survey ng SWS, 57 percent ng mga Pilipino ang nagsabi na satisfied sila sa performance ni VP Robredo habang 23 percent naman ang dissatisfied.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Napanatili ni Vice-President Leni Robredo ang kanyang “good” net satisfaction rating sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) sa 3rd quarter ng 2018.

Batay sa resulta ng latest survey ng SWS, 57 percent ng mga Pilipino ang nagsabi na satisfied sila sa performance ni VP Robredo habang 23 percent naman ang dissatisfied.

Mayroong +34 net satisfaction rating ang bise presidente,dalawang puntos na mas mataas kumpara sa +32 rating na nakuha nito noong nakalipas na quarter.

Napanatili rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang “very good” rating, na may pagtaas ng isang puntos sa +55 mula sa dating +54.

Pero si dating Pangulo at kasalukuyang House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay nakapagtala ng “neutral” net satisfaction rating.

Natukoy na 34 percent ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ni Arroyo, habang 38 percent naman ang dissatisfied.

Show comments