Mga babae nangunguna sa Senatorial election

Kasabay nito, limang babae ang nanguna sa pinakahuling survey ng Pulse Asia tungkol sa mga posibleng manalo sa senatorial elections sa susunod na taon.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kung idaraos nga­yong buwan ang midterm election, 17 indibidwal sa pa­ngunguna ng re-elek­siyunis­tang si Senador Grace Poe ang merong statistical chance na manalo at pumasok sa tinatawag na Magic 12, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Kasabay nito, limang babae ang nanguna sa pinakahuling survey ng Pulse Asia tungkol sa mga posibleng manalo sa senatorial elections sa susunod na taon.

Ang lima ay pinangunahan ni Poe, sinundan ni Senator Cynthia Villar, pangatlo si Rep. Pia Ca­yetano, pang-apat si Se­nator Nancy Binay at pang lima si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.

Ang survey na ginawa noong Setyembre 1-17 at ipinalabas kahapon ay nagpapakita na nangi­ngibabaw sa listahan ang mga incumbent at former senators.

Kasama rin sa Magic 12 ang ilang persona­lidad na kunektado sa administrasyon  tulad ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at Ilocos Norte Governor Imee Marcos na nasa fifth at eight places, ayon sa pagkakasunod.

Kasunod naman ni Poe sina re-electionist Sen. Cynthia Villar, dating Senador at Taguig City Rep. Pia Cayetano at re-electionist Nancy Binay.

Nasa ikaanim at ikapitong puwesto sina Re-electionist Sen. Edgardo “Sonny” Angara at dating Senador Jinggoy Estrada.

Statistically tied sina dating Senador Sergio Osmena at dating Interior Secretary Mar Roxas.

Ayon din sa Pulse Asia, may tsansa ring pumasok sa Magic 12 sina Robin Padilla, dating Senador Bong Revilla, Ramon Tulfo, Bureau of Corrections Chief Ronald “Bato” dela Rosa at re-electionist Sen. JV Ejercito.

Show comments