OVP relief team handa na sa biktima ni Ompong

MANILA, Philippines — Nakahanda nang tumulong ang disaster relief teams na binuo ng Office of the Vice President sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Ompong. Ayon kay Vice President Leni Robredo, nakikipag-coordinate na ang kanilang team sa mga apektadong local government units. Umapela rin siya sa mga negosyante na huwag magtaas ng presyo dahil sa bagyong Ompong.

May kabuuang 63,769 pamilya o katumbas na 250,036 katao ang apektado kay Ompong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Show comments