Papasok na sa kanyang opisina si Senator Antonio Trillanes IV matapos ang maikling presscon matapos maglabas ng desisyon ang Makati RTC Branch 150 na hindi naglabas ng arrest warrant at hold departure.
Geremy Pintolo
Trillanes ‘di lalabas ng Senado hangga’t ‘di tapos ang kaso
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak na kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV na mananatili ito sa Senado hangga’t hindi natatapos ang mga kasong inihain sa kanya ng gobyerno.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag matapos hindi maglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 150 na humahawak sa kanyang kasong rebelyon kaugnay sa Manila Peninsula siege noong 2007 na binuhay ng Department of Justice.

“In the meantime the decision is to stay in the Senate until ma-resolve yong court cases,” sabi ni Trillanes.

Nauna rito, inihayag ni Trillanes kamakalawa ng hapon na lalabas na siya ng Senado pero nagbago ang isip nito ng dumami ang nagbabantay na security forces sa labas ng gate ng Senado.

Sinabi ni Trillanes na hindi maaring pang­hawakan ang salita ni Pangulong Duterte na hindi siya aarestuhin kung walang warrant of arrest na ipalalabas ang korte.

Matatandaan na sinundan ng ilang naka-motorsiklo ang sasakyan ni Trillanes kamakalawa ng lumabas ito sa Senado upang magpa-ga­solina.   

Naniniwala si Trillanes na nadagdagan ang mga nagbabantay sa Sena­do upang hindi na siya ma­kabalik sakaling mag­desis­yon siya na lumabas ng Senate building.

Posible rin aniya na magkaroon ng “untoward incident” sakaling tangkain niyang lumabas.

Maaari rin umanong strategy lamang ni Duterte ang mga pahayag na hindi siya huhulihin upang mahikayat siyang lumabas ng Senado.

ANTONIO TRILLANES IV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with