PNP full alert sa calamity areas

Sa mga lugar na binayo ni Karding, habagat

MANILA, Philippines — Nagdeklara na kahapon ng full alert status ang Philippine National Police sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad bunga ng matitinding pagbaha sa paghagupit  ng bagyong Karding at habagat. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na kabilang sa mga isinailalim sa full alert, ang pinakamataas na alerto sa PNP, ang mga himpilan ng pulisya sa Cordillera Region, Region 1, III, IVA (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Nabatid na kamaka­la­wa ng hapon ay nag­dek­­lara na ng state of ca­­la­mity ang mga lokal na opisyal sa mga apektadong lugar sa buong lalawigan ng Cavite, mga lungsod ng Marikina, Olongapo at Balanga at mga munisipalidad ng Bataan, Pangasinan, Nueva Ecija at Tarlac sanhi ng matitin­ding pagbaha dulot ng torrential monsoon rains.

Show comments