Long term solution vs poverty inilatag ng Palasyo

Lumitaw sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 48 percent ng respondents o nasa 11.1 milyong pamilya ang nagsabing mahirap pa rin sila, na mas mataas ng 6 percent sa nakaraang survey.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Naglatag ng long term solution ang Du­terte go­vernment upang malutas ang kahirapan sa bansa, kasunod ng resulta ng isang survey na nagsasabing mahirap pa rin sila sa 2nd quarter ng 2018.

Lumitaw sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 48 percent ng respondents o nasa 11.1 milyong pamilya ang nagsabing mahirap pa rin sila, na mas mataas ng 6 percent sa nakaraang survey.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, seryoso ang gobyerno na lutasin ang problemang ito sa kahirapan kaya sine­seryoso rin nila ang naging resulta ng survey.

Kabilang sa plano ng gobyerno ay alisin ang import quota ng bigas at lumikha ng mas mara­ming trabaho sa bansa sa pamamagitan ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.

“We are putting in place long-term solutions to significantly reduce inflation and help poor Filipino families, such as pushing for rice tariffication as rice accounts for around 20% of the total consumption of the poor and implementing our Build, Build, Build Program to lower the transport cost of food and goods,” wika ni Roque.

Show comments