Chinese envoy pumalag sa ‘welcome banner’

Sinabi ni Zhao sa panayam ng Malacañang repor­ters kahapon sa Intramuros, Manila, isang pag-atake ito sa bilateral relations ng China at Pilipinas.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi ikinatuwa ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang pagkalat ng mga banners noong nakaraang linggo na nagsasabing “Welcome to the Philippines, Province of China”.

Sinabi ni Zhao sa panayam ng Malacañang repor­ters kahapon sa Intramuros, Manila, isang pag-atake ito sa bilateral relations ng China at Pilipinas.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremony ng itatayong tulay sa pagitan ng Intramuros at Binondo na popondohan ng Chinese government.

Nilinaw din ni Zhao na hindi naging bahagi ng China ang Pilipinas at hindi ito magiging probinsiya ng kanilang bansa.

Show comments