Duterte at Mahathir nagpakita ng suporta kay Pacman

Nabatid na nagkaroon umano ng re-organization sa seating arrangements sa VIP section at may ilang tickets din umanong ni-recall para lamang ma-accomodate ang entourage nina Duterte at Mahatir.
AP photo

MANILA, Philippines — Nagpakita ng suporta sina Pangulong Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir bin Mohammad kay Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao nang sabay manood ng laban nito kontra Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nabatid na nagkaroon umano ng re-organization sa seating arrangements sa VIP section at may ilang tickets din umanong ni-recall para lamang ma-accomodate ang entourage nina Duterte at Mahatir.

Subalit batay sa litratong ibinahagi sa social media ni Special President to the President Bong Go, sa itaas na bahagi ng Axiata Arena pumuwesto sina Duterte.

Nagpasalamat naman ang pambansang kamao sa 2 lider sa panonood sa kanyang laban.

“Mga Pilipino, ma­raming-maraming salamat, lalo na sa ating mahal na Pangulo. We have a good President... and thank you, Mr. President for being our president. And also the Prime Minister, Mahathir, thank you so much to all your support,” wika naman ni Pacquiao.

Show comments