SC ibinasura ang P51 bilyon claim ng PCGG vs Marcos, cronies

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng Presidential Commission on Good Government na makakuha ng P51 bilyon mula kay dating Pangulo Ferdinand Marcos at sa kaniyang mga tauhan.

Kinatigan ng First Division ng mataas na hukuman ang hatol ng Sandiganbayan noong Agosto 2010, kung saan ibinasura nila ang motion for reconsideration ng PCGG dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ang PCGG ang ahensyang binuo upang habulin ang mga nakaw na yaman ng dating diktador. Mula nang buuin ay nasa P170 bilyon na ang nakuha ng PCGG.

Pinangalan sa reklamo bilang respondents sina dating First Lady Imelda Marcos, businessman Roberto Cuenca, dating Trade and Industry Minister Roberto Ongpin, dating Philippine National Bank president Panfilo Domingo, dating Development Bank of the Philippines vice chairman Don Ferry at 11 iba pa.

Malaking dagok ito sa PCGG na nahaharap sa pagkakabuwag sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Show comments