Bagong hepe ng PSG pinangalanan

MANILA, Philippines — Simula sa katapusan ng Mayo ay may bago nang commander ang Presidential Security Group (PSG).

Nakatakdang umupo bilang hepe ng PSG si Col. Jose Eriel Niembra sa Mayo 30 bilang kapalit ni Brig. Gen. Lope Dagoy.

Iniwanan ni Dagoy ang PSG matapos maitalaga bilang pinuno ng 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Leyte,

Sa kasalukuyan ay deputy commander ng PSG ang posisyon ni Niembra na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1991.

Hindi naman maninibago si Pangulong Rodrigo Duterte kay Niembra dahil dati nang naging deputy commander ng Task Force Davao ang sundalo noong alkalde pa lamang ng Davao City ang pangulo.

 

Show comments