Napoles inalis na sa WPP

Nakasaad sa sulat ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra sa legal counsel ni Napoles na tinatanggal na ito sa WPP simula kahapon Marso 25, 2018.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaalis na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Nakasaad sa sulat ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra sa legal counsel ni Napoles na tinatanggal na ito sa WPP simula kahapon Marso 25, 2018.

Sinabi ni Guevarra na wala ng banta sa seguridad ni Napoles sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Wala na rin umanong dahilan upang palawigin pa ang  provisional coverage ni Napoles sa ilalim ng naturang programa.

Si Napoles, ang itinuturong utak sa multibillion-peso scam na kung saan ginamit umano ng mga mambabatas ang kanilang mga pork barrel.

Si Napoles, ang itinuturong utak sa multibillion-peso scam na kung saan ginamit umano ng mga mambabatas ang kanilang mga pork barrel.

Show comments