Kamara sumulat na kay Duterte para sa BBL
MANILA, Philippines — Sumulat na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Kamara para hilingin sa kanya na isertipika bilang urgent ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa liham nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas sa Pangulo, sinabi nila ang intensyon ng Kamara na ipasa hanggang ikatlong pagbasa ang BBL.
Ito ay bago ang sine die adjournment ng second regular session ng 17th Congress sa June 2.
Ang panukalang certified as urgent ng pangulo ay maaaring ipasa sa second at third reading sa kapulungan sa loob lamang ng isang araw dahil naisasantabi dito ang 3 day notice rule.
Samantala, sinabi kahapon ni Senate President Vicente Sotto na pipilitin ng Senado na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Bangsamoro Basic Law sa susunod na Miyerkules.
Natapos na kamakalawa ng gabi ang tinatawag na “period of interpellation” at sa Lunes magkakaroon ng “period od amendements.”
Kapag naging ganap na batas, ang BBL ang magiging daan upang magkaroon ng Bangsamoro Autonomous Region na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). (Malou Escudero)
- Latest