Shellfish ban sa 5 lalawigan

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga lugar na bawal pagkunan ng shellfish products ay ang baybayin ng Biliran Province, Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at sa Honda Bay, Puerto Princesa.
News5/InterAksyon

MANILA, Philippines — Hindi maaaring makain ang anumang shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan sa limang lalawigan sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng lason ng red tide doon.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga lugar na bawal pagkunan ng shellfish products ay ang baybayin ng Biliran Province, Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at sa Honda Bay, Puerto Princesa.

Ayon sa BFAR, kahit ang alamang na magmumula sa nabanggit na mga lugar ay bawal kainin.

Samantala ang isda, pusit, hipon at alimasag mula sa nabanggit na mga lugar ay safe kainin bastat hugasang mabuti at alisin ang hasang ng isda bago lutuin.

Pinayuhan ng BFAR ang mga local officials sa nabanggit na mga lugar na huwag papayagan na makalabas ng kanilang area of responsibility ang mga shellfish products o maibenta sa ibang lugar dahil may epekto ito sa kalusugan ng tao tulad ng pagsusuka, pagkahilo at pagsakit ng tiyan oras na makain ang shellfish products.

Show comments