^

Bansa

Pimentel bumaba, Sotto umangat bilang Senate President

Pilipino Star Ngayon
Pimentel bumaba, Sotto umangat bilang Senate President

MANILA, Philippines – Tuluyan nang naging Senate President si Sen. Vicente “Tito” Sotto III ngayong Lunes kasunod ng pagbaba sa pwesto ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Nanumpa si Sotto kay Sen. Gringo Honasan kung saan pinagtibay ito ng paglagda ng mayorya ng Senado na sumusuporta sa dating TV host.

Mismong si Pimentel ang nagnomina kay Sotto na matagal nang miyembro ng Senado.

Pinasalamatan ni Sotto ang kaniyang mga kasamahan sa Senado sa pagtitiwala sa kaniya na pamunuan ang mataas na kapulungan.

Nangako siya na maghahain ng mga batas na para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Si Sen. Miguel Zubiri naman ang uupo sa nabakanteng pwesto ni Sotto bilang Senate Majority floor leader.

Bumaba sa pwesto si Pimentel bilang paghahanda sa kaniyang muling pagtakbo sa darating na 2019 midterm elections.

 

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with