Duterte pasok sa Forbes ‘most powerful people’

MANILA, Philippines — Pasok sa ika-69 puwesto si Pangulong Duterte sa Worlds’ Most Powerful People ng Forbes Magazine.

Nakasaad sa magazine na ang paglaban sa illegal drugs ni Pangulong Duterte ang naging factor sa pagkakasama nito sa listahan.

Ang nasabing listahan ay binubuo ng 75 most influential men and women sa buong mundo.

Ito na ang pangalawang beses na napasama ang Pangulo sa listahan dahil noong 2017 ay nasa pang-70 puwesto ito.

Nanguna sa puwesto ngayong taon si Chinese President Xi Jinping na sinundan ni Russian President Vladimir Putin, US President Donald Trump, German Chancellor Angela Merkel at Amazon CEO Jeff Bezos.

Kabilang sa top 10 sina Pope Francis, Bill Gates, Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud, Narenda Modi ng India at Larry Page ng Google.

Show comments