^

Bansa

Missing UP student sumapi sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Missing UP student sumapi sa NPA
Ang nasabing estud­yante na itinago sa alyas Mara, 26 anyos, residente ng Minglanilla, Cebu ay nagtapos sa UP Visayas-Cebu kung saan isa itong honor student at isa ring “academic achiever” noong high school.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ibinulgar kahapon ng militar na sumapi na sa mga teroristang New People’s Army (NPA) at na­ging biktima pa umano ng panggagahasa ang isang estudyante ng University of the Philippines (UP)-Cebu na may ilan taon ng napaulat na nawawala matapos na magtungo sa Negros Occidental.

Ang nasabing estud­yante na itinago sa alyas Mara, 26 anyos, residente ng Minglanilla, Cebu ay nagtapos sa UP Visayas-Cebu kung saan isa itong honor student at isa ring “academic achiever” noong high school.  

Isa siyang undergraduate sa Bachelor of Science in Mathematics sa UP Visayas-Cebu bago sumapi sa komunistang NPA.

Ayon kay Captain Ruel Llanes, Civil Military Ope­rations Oficer ng Army’s 303rd Infantry Brigade (IB), nadiskubre ang pagsapi ni Mara sa NPA kasunod ng pagkakarekober ng tropa ng militar sa mga subersibong dokumento ng teroristang grupo matapos ang engkuwentro sa tropa ng Army’s 79th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Guadalupe, San Car­los City, Negros Occi­dental kamakailan.

Una nang idineklarang nawawala ang naturang estudyante at sa pagkaka­rekober sa mga kagamitan nito tulad ng diary sa encounter site ay nakumpirmang sumapi na ito sa komunistang kilusan.

Ayon sa opisyal, ang nasabing diary ay sulat kamay at may pribadong paglalahad ni Mara sa kaniyang mapait na karanasan sa NPA terrorist.

Nabatid na namundok si Mara noong Nobyembre 2011 at nagsanay sa komunistang kilusan sa kagubatan ng Himamaylan, Negros Occidental.

Naging opisyal itong kasapi ng NPA noong 2012 at idineploy sa bulubundu­king bahagi ng mga barangay sa San Carlos, Negros Occidental, Canlaon at Vallehermoso na pawang sa Negros Oriental.

Ibinulgar din ng estudyante sa kaniyang talaarawan o diary na ginahasa siya ng isa sa mga kadre ng NPA na tinukoy lamang sa alyas na Lando at minolestiya rin ng isang alyas Ka Mori sa panahon ng kaniyang pananatili sa kilusang komunista.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Brig. Gen. Eliezer Losañes, commander ng Army’s 303rdBrigade na ang paglalahad ni Mara sa kaniyang diary sa masaklap nitong sinapit ay patunay lamang na dumaranas ng sexual harassment ang mga babaeng recruit ng NPA terrorists.

“We thoroughly ins­pected the recovered do­cuments and it confirms that “Mara” was with the group, she is a victim of sexual harassment,” anang opisyal.

Nanawagan din ang opisyal sa mga estud­yante na huwag pabola at palinlang sa matatamis na pangako ng mga rebeldeng NPA na nagre-recruit sa hanay ng mga kabataan dahil masisira lamang ang kanilang kinabukasan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with