^

Bansa

Bangayan itigil, partnership na tayo

Alexis Romero - Pilipino Star Ngayon
Bangayan itigil, partnership na tayo

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na walang mangyayari kung magpapatuloy ang mga iringan sa pulitika. File

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider-pulitiko na isaintabi ang partisanship at tulungan siyang magtrabaho para sa kabutihan ng bansa.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na walang mangyayari kung magpapatuloy ang mga iringan sa pulitika.

“Kalimutan na natin yang mga partido-partido. Partnership na lang tayo,” wika ng Pangulo sa idinaos na Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee Leaders and National Summit sa Pasay City kamakalawa.

“Kasi, kung mag-ano tayo walang mangyari eh. Huwag na lang iyan. Tulu­ngan na lang tayo,” dagdag niya.

Nagpahayag din si Duterte ng kahandaan na makipagtrabaho sa mga kaalyado ng kanyang mga nakalaban sa halalang pampanguluhan noong 2016.

“Kung susuportahan ako ng mayorya ng mamamayan, pasasalamatan ko ito. Tulungan man ninyo ako o hindi, kahit para kayo kay (Dating Vice President Jejomar) Binay, (Senador) Grace (Poe), o dating Interior Secretary Mar (Roxas), wala ako pakialam,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.

“Tapos na iyan. Bakit pa ako mag-ano diyan? Panalo na ako. Kaya tahimik na lang ako,” dagdag niya.

Para maiwasan ang mga iringan, sinabi ni Duterte na ang mga kalabang grupong pulitikal ay maaaring mag-usap kung sino ang dodomina sa isang chamber o institusyon.

“Kung ayaw ninyong makilahok sa amin, pulitika iyan, mabuti. Pero kung mag-uusap tayo, okay, ibigay ninyo sa amin ang Kongreso, sa inyo ang mga pamahalaang lokal,” sabi pa ng Pangulo. “Palit-palit na lang tayo para lahat masaya.”

Nagbiro pa ang Pangulo na dapat magpatayan na lang ang mga pulitiko kung hindi sila magkakasundo.  “Kung sino ang mabuhay, iyon na iyon. Eh ayaw ninyong magpaareglo eh.”

Kahit handa siyang makipagtrabaho sa lahat ng grupng pulitikal, idiniin ni Duterte na walang makakaligtas sa kanyang kampanya laban sa katiwalian at bawal na gamot.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with