Eastern Samar, 2 sunod nilindol

MANILA, Philippines — Dalawang magkasunod na pagyanig ang naganap sa Eastern Samar kahapon.

Alas 12:06 ng madaling araw nang unang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 2.8 magnitude na lindol sa may 091 kilometro hilagang silangan ng Guian, eastern Samar.

May 031 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang pagyanig.

Sinundan ito ng 2.7 magnitude alas -2:32 ng umaga na ang sentro ay nasa 088 kilometro hilagang silangan din ng Guian.

May 034 kilometro ang lalim ng lupa ng pagyanig na ito.

Wala namang naiulat na damage ang magkasunod na lindol na pawang tectonic ang ugat ng naturang mga lindol.  

Show comments