Sereno average lang ang IQ

Sereno  

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng isang psychologist na humarap kahapon sa House committee on justice na average lang ang IQ o intelligence quotient ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno at mas mataas pa ang IQ sa kanya ng ibang naging aplikante sa pagka-Chief Justice.

Ayon kay Dr. Geraldin Tria, maituturing na “marginal ang “4” na score ng punong mahistrado sa nasabing psychiatric exam at kung siya ang tatanungin ay hindi niya ire­rekomenda si Sereno sa listahan ng mga nominado para sa posisyon.

Mayroon din umanong mga mental disturbances si Sereno at mababa ang nakuha niya sa psychiatric test nang mag-apply sa pagka-punong mahistrado noong 2012.

Sa pahayag ni Dr. Tria, may siyam na sintomas ang mental disturbance at pito rito ang natukoy kay Sereno, kabilang ang “grandiocity, preoccupied with fantasier with limited success and power, sense of entitlement, interpersonally exploitative to take advantage of others to achieve own at lack of empathy and sensitiveness to the need of the community”.

Bukod dito, bagsak din umano si Sereno sa emotional na pinapatunayan ng madalas na away sa Korte Suprema.

Kung siya umano ang tatanungin, hindi niya ire­rekomenda si Sereno sa pagka punong mahistrado dahil base sa findings ng mga psychiatrists ay hindi ito recommendable.

Show comments