SEC commissioner nag-resign
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa kanyang posisyon si Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Blas James Viterbo.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Finance Secretary Carlos Dominguez at maging ng Office of the Executive Secretary.

Ayon sa OES natanggap nila ang resignation letter ni Viterbo.

 Sinabi naman ni Dominguez na “health reasons” o may kaugnayan sa kalusugan ang dahilan ng pagbibitiw ni Viterbo na nagkakaroon na umano ng hindi regular na “heartbeat”.

Sa ngayon aniya ay bibigyang prayoridad muna ng commissioner ang kanyang kalusugan.

Magiging epektibo ang pagbibitiw ni Viterbo kapag tinanggap na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi naman ni SEC chairperson Teresita Herbosa na may kaugnayan sa desisyon ng SEC tungkol sa pagbawi ng lisensiya ng Rappler ang pagbibitiw ni Viterbo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with