4 wanted sa batas arestado

MANILA, Philippines — Nadakip ng iba’t-ibang unit ng Northern Police District (NPD) ang apat na katao ng wanted sa batas  sa patuloy na paghahabol sa mga ito na may kinakaharap na warrant of arrest sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela City.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, nadakip kamakalawa ng umaga ng mga tauhan ng Intelligence Branch ang Top 8 Most Wanted na si John Carlo Lamano, 21, ng Steel Wood St., Brgy. Gen. T. De Leon, sa mga kasong robbery.

Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng Navotas City Police si Danilo Torres, 34-anyos, pedicab driver, ng Sapipa Street, Brgy. North Bay Boulevard South.  Nahaharap si Torres sa kasong ‘illegal possession of deadly weapons’.

Nadakip rin ng Navotas Police si Merlin Francisco, 37, ng Brgy. Sipac, at wanted sa kasong paglabag sa Section 89 ng Republic Act 8550 o illegal fishing dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na lambat sa pangingisda.

Bumagsak rin sa kamay ng pulisya ang Top 16 sa Most Wanted ng Navotas City Police na si Arnold Belmonte, 45, residente ng Bisu­go Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.  Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide.

Show comments