Faeldon nanumpa bilang bagong civil defense deputy administrator

Pinayagan lamang ng Senado si Faeldon na makalabas ng kulungan upang makapanumpa. Faeldon Legal Team

MANILA, Philippines — Ganap nang deputy administrator ng Office of Civil Defense si Nicanor Faeldon matapos siyang manumpa ngayong Martes ng umaga.

Nanumpa si Faeldon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na naunang nagsabi na hindi nila hiniling ang dating Customs chief ngunit tatanggapin naman nila.

Nasa ilalim ng Department of National Defense ang OCD.

Bumaba sa pwesto sa Customs si Faeldon matapos madawit sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa kanila.

Inakusahan siya ni Sen. Panfilo Lacson na tumatanggap ng lagay, kabilang ang P100 milyong “welcome gift.”

Pinayagan lamang ng Senado si Faeldon na makalabas ng kulungan upang makapanumpa.

Nasa kustodiya ng Senado ang bagong deputy administrator matapos hindi dumalo sa mga pagdinig sa shabu shipment.

Show comments