Ayon kay Dr. Erwin Erfe, director ng PAO forensic laboratory, halos araw-araw ay nakatatanggap sila ng kahilingan mula sa pamilya ng mga nasawi para suriin ang labi ng kanilang anak para mapatunayang hindi namatay sa anumang uri ng sakit ang anak kundi sa pagbakuna ng dengvaxia.

Magulang na nagrereklamo dahil sa ‘dengvaxia’ dumaragsa sa PAO
(Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga  pamil­yang humihingi ng tulong sa Public Atorneys Office (PAO) na naghihinalang namatay ang kanilang anak makaraang mabigyan ng dengvaxia vaccine.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, director ng PAO forensic laboratory, halos araw-araw ay nakatatanggap sila ng kahilingan mula sa pamilya ng mga nasawi para suriin ang labi ng kanilang anak para mapatunayang hindi namatay sa anumang uri ng sakit ang anak kundi sa pagbakuna ng dengvaxia.

Aniya, apat na bangkay na ng mga bata ang na-autopsy ng PAO at dalawa pa ang itinakdang ma-examine kahapon. Luma­labas sa mga na-autopsy na iisa lamang ang sanhi ng kanilang kamatayan. Sa pagsusuri, nakitang pawang nagkaroon ang mga biktima ng internal bleeding, paglaki ng internal organs, at pagkasawi sa loob ng anim na buwan matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Ang mga nakuhang ebidensiya ng PAO sa mga bata ay isasama nila sa pagsasampa ng kaso laban sa mga taong dapat managot kaugnay ng dengvaxia vaccine issue.

Samantala, pinagkokomento ng Korte Suprema ang mga respondent sa kaso ng dengvaxia na inihain ng mga magulang at kaanak ng ilang mga batang naturukan ng anti-dengue vaccine.

Sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema para magsumite ng komento ang mga respondent sina Health Secretary Francisco Duque; Education Secretary Leonor Briones; Interior and Local Government Officer-in-Charge Catalino Cuy; DOH-National Center for Disease Prevention and Control Director Lyndon Lee Suy; at Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno.

Nais ng mga petitioner na atasan ng Korte Suprema ang gobyerno na bigyan ng libre at pangmatagalang serbisyong medikal ang mga nabakunahan ng dengvaxia.

DENGVAXIA PAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with