P120-M smuggled rice, nasabat

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Officer-in-Charge Commodore Joel Garcia, ang mga nasamsam na smuggled na bigas ay sakay ng barkong M/V-J-SIA na naharang ng kanilang mga tauhan sa Sulu Sea.
Roel Pareño

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa P120-milyong halaga ng smuggled na bigas sa Zamboanga, Sibugay.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Officer-in-Charge Commodore Joel Garcia, ang mga nasamsam na smuggled na bigas ay sakay ng barkong M/V-J-SIA na naharang ng kanilang mga tauhan sa Sulu Sea.

Paliwanag ni Garcia, nagsagawa ng intelligence build-up ang Coast Guard upang i-monitor ang mga smugglers.

Ayon kay Garcia, galing ang bigas sa isang foreign vessel na posibleng mula sa Viet­nam, at ikinarga ang mga kontrabando sa isang domestic vessel matapos magkaroon ng transfer-at-sea.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PCG upang malaman kung kanino nanggaling at kung sino ang dapat sanang tatanggap ng mga kontrabando.

Show comments