Bato sa Abril 21 magreretiro sa PNP

MANILA, Philippines — Pinalawig na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamumuno ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ng tatlo pang buwan.

Sinabi ni dela Rosa na natanggap na niya ang “soft copy” ng liham mula sa pangulo kung saan hangggang Abril 21 pa siya sa pwesto.

Bababa na dapat sa pwesto si dela Rosa sa Enero 21 dahil sa mandatory retirement age na 56.

“Since in-extend [‘yung term ko] meaning kinakailangan pa ‘yung serbisyo ko. Ibibigay ko na lahat. Wala na akong i-re-reserve pa,” wika ng hepe ng PNP.

Aniya irerekomenda niya ang mga three=star at two-star generals bilang kapalit niya.

Pagkatapos sa PNP ay nakahanda na rin ang lilipatang opisina ni dela Rosa sa Bureau of Corrections.

 

Show comments