SC justices pinayagang dumalo sa impeachment hearing vs Sereno

MANILA, Philippines — Hinayaan ng Korte Suprema ang mga hukom, maging ang mga empleyado nila na dumalo sa impeachment hearing na isinasagawa ng Kamara laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ng tagapagsalitang si Theodore Te na may clearance na ang sinumang mula ng mataas na hukuman na dumalo sa pagdinig.

"As regards testimony on administrative matters, those who are invited to testify on administrative matters may do so if they wish," sabi ni Te

BASAHIN: Sereno nakapuntos

Isa si Associate Justice Teresita De Castro sa mga nais padaluhin ng House justice committee upang kumpirmahin kung totoo ang sinasabi ng nag-akusa kay Sereno na si Larry Gadon.

Bukod kay De Castro ay inimbitahan din sina Associate Justice Noel Tijam, Court Administrator Midas Marquez at Retired Associate Justice Arturo Brion.

Nilinaw naman ni Ten a tanging si De Castro lamang ang maaaring humarap at magsalita tungkol sa mga desisyong ginawa ng Korte Suprema tulad ng paglalabas ng temporary restraining order sa kaso ng Senior Citizens.

Naunang nagpaalam si De Castro sa Kamara na bigyan pa siya ng panahon bago dumalo sa pagdinig.

BASAHIN: Gadon nakalimutan umano kung saan kinuha ang impormasyon vs Sereno

Sinabi ng abogadong si Gadon sa pagdinig na nalaman niya ang umano’y pamemeke ni Sereno mula sa isang journalist na may koneksyon kay De Castro.

Naglabas na rin naman ng pahayag si De Castro na wala siyang ibinibigay na impormasyon kay Manila Times reporter Jomar Canlas.

Itinanggi rin ni Canlas na si De Castro ang source ng kaniyang balita.

 

Show comments