Probe sa PDAF, DAP pinabubuksan ng DOJ

MANILA, Philippines — Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na muling buksan ang imbestigasyon kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF) dahil sa nadiskubreng bagong mga ebidensiya kaugnay sa paglustay nito.

Base ito sa Department Orders nos. 751 at 752 na may lagda ng kalihim at may petsang Nov. 23, 2017.

Sa Department Order no. 749 naman ay inaatasan nito ang NBI na bumuo ng special task force na tututok sa imbestigasyon sa PDAF at DAP kaugnay sa reklamong inihain ng Coalition For Investigation and Prosecution sa pangunguna ni Rep. Greco Belgica laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa alegasyon ng Malversation sa ilalim ng Artcle 217 ng Revised Penal Code.

Ang special task force naman ay kailangang magsumite ng periodic reports kay DOJ Undersecretary Antonio Kho Jr..

Layunin ng imbestigasyon na magsagawa ng case build-up laban sa mga sangkot sa PDAF at DAP scam.

Show comments