Abas inilagay ni Digong sa Comelec, Devanadera sa ERC

MANILA, Philippines — May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na mamumuno sa Commission on Elections (Comelec) matapos magbitiw ang dating chairman nito na si Andy Bautista.

Nilagdaan ni Duterte nitong kamakalawa ang appointment paper ni Comelec Commissioner Sheriff Abas bilang bagong pinuno ng poll body.

Kailangan ni Abas na lusutan ang Commission on Appointments bago tuluyang makuha ang pwesto na hahawakan niya hanggang Pebrero 2022.

Si Abas ang isa sa anim na Comelec commissioners na nanawagan sa pagbibitiw ni Baustisa na sumailalim sa impeachment trial ng Kamara.

Inilagay naman si dating solicitor-general Agnes Devanadera sa Energy Regulatory Commission kapalit ni Jose Vincente Salazar.

Nasibak si Salazar nitong nakaraang buwan dahil sa grave misconduct at corruption. Magsisilbi si Devanadera hanggang Hulyo 2022.

Nanilbihan si Devanadera sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.

Show comments