NAIA nakaalerto, personnel dodoblehin sa ASEAN

MANILA, Philippines — Nakaalerto ang Ninoy Aquino International Airport para sa mahigipit na seguridad at inaasahan na sa susunod na mga araw ay mado-doble ang mga immigration personnel na maitatalaga sa arrival at departure counters ng mga airport terminals dahil sa inaasahang pag­dagsa ng mga tao bunsod na rin sa gaganaping ASEAN Summit at sa nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay Bureau of Immigration-Port Operations Division (BI-PoD) chief Red Marc Marinas, 60 % ng personnel ng BI ay itataas ang mga tungkulin sa susunod na buwan basta ang mga openings sa mga bagong BI personnel ay makukuha  nila.

Ayon kay Marinas,  may kabuuang 100 karagdagan immigration personnel ang itatalaga sa utos ni BI Commissioner Jaime Mordnte matapos silang mag-training.

Ayon kay Marinas, inaasahan nilang dadagsa ang mga turista, balikbayan at mga overseas Filipino workers (OFWs) na magsisiuwian sa NAIA dahil na rin sa ASEAN summit at Christmas season.

“It is also during this season that just like security providers at the premier airports, the BI personnel at the NAIA Terminals and all other ports of entry and exit are doubly vigilant,” ani Marinas.

Iginiit ni Marinas na maghihigpit sa seguridad at monitoring ang Travel Control and Enforcement Unit sa NAIA Terminals, sa ilalim ng pamamahala ng mga TCEU supervisors Bien Guevarra (terminal 1), Glenn Comia (terminal 2) at Den Binsol (terminal 3) para ma­ging alerto ang kanilang mga tauhan sa mga terminals.

Sabi ni Marinas, ang mga newly trained BI personnel na darating sa NAIA ay ikakalat nila sa NAIA terminals 1, 2 at 3.

Show comments