Digong biyaheng Vietnam ngayon

Sa loob ng 26 araw

MANILA, Philippines —  Ngayong hapon aalis si Pangulong Duterte kasama ang kanyang maliit na delegasyon patungong Vietnam upang dumalo sa APEC Summit.

Bandang alas-4:00 ng hapon aalis ang Pangulo lulan ng chartered flight patungong Hanoi, Vietnam.

Kabilang sa delegasyon sina DFA Sec. Alan Peter Cayetano, Presidential Spokesman Harry Roque at Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Gaganapin ang 2017 APEC Summit mula Nov. 8-10 sa Da Nang, Vietnam kung saan ay inaasahan ang unang pagkikita nina Pangulong Duterte at US Pres. Donald Trump.

Bukod kay Trump ay dadalo rin sa APEC Summit sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.

Inaasahang magkakaroon ng bilateral talks si Pa­ngulong Duterte kay Russian President Putin, Chinese President Xi at Vietnam President Tran Dai Quang.

Show comments