^

Bansa

Blue alert sa Guam

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang rekomendasyon ni Consul General Marciano de Borja na itaas sa blue alert level ang sitwasyon sa Guam sa gitna ng banta na missle attack ng North Korea.

Nagpalabas na ka­hapon si Cayetano ng alert level 1 (blue alert) para sa konsulado sa Guam at Northern Maria­nas islands.

“Ibig sabihin nito, nagbabago pa rin ang sitwasyon at ang mga Pilipino roon ay hinihikayat na masusing imonitor ang mga balita sa mga mapapanaligang media outlet at official advisories mula sa pamahalaan ng Guam at ibang US authorities at sa Philippine Consulate sa Guam,” paliwanag ni  DFA spokesman Robespierre Bolivar.

Siniguro naman ni Cayetano kahapon sa media interview na may nakalatag na contingency plan ang embahada at consulate para sa mga Pilipino na nasa South Korea at Guam.

Pinayuhan din ni Ca­yetano ang mga Pilipino sa Guam na magdasal na sana huwag ituloy ng Nokor ang kanilang bantang missile attack.

“Magkakaroon tayo ng scenario kung saan itong consulate natin ay bukas para punta­han ng kababayan natin o kami [ay] pwede ba kami magtrabaho dito,” wika ni consul-general de Borja.

Naglaan ng isang bagong bahay sa Tamu­ning Village bilang temporary shelter ng mga Pinoy sa Guam sa sandaling ituloy ng Nokor ang banta nito.

Hinikayat naman kahapon ng Malacañang ang mga Pilipino sa Guam at Korea na mag-report sa mga consular officials  sa mga nasabing bansa o kaya ay sa Department of Foreign Affairs upang ipaalam ang kanilang ki­naroroonan.

Mayroong 162,896 katao ang populasyon ng Guam habang tinatayang nasa 43,000 ang bilang ng mga OFW na naroon

Ipinagdasal naman ng mga miyembro ng Philippine National Police na magkaroon ng pagkakaisa ang Estados Unidos at North Korea.

Sa ginanap na regular flag raising ceremony  sa Camp Crame kahapon ng umaga, sinabi ni Sr. Supt. Eligio Mativo, director ng Chaplain Service ng PNP, na dinadalangin nila na mamagitan at basbasan ng Panginoon ang hidwaan ng Amerika at Nokor.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with