Comelec chair Bautista kinasuhan ang misis

MANILA, Philippines — Naghain ng kasong kriminal si Commission on Elections Chairperson Andres Bautista laban sa kaniyang may bahay na si Patricia “Tisha” Cruz-Bautista kasunod ng mga paratang ng katiwalian.

"We filed a case for grave coercion, for qualified theft and robbery, and also for extortion which is in the form of grave threats and life threats," wika ni Bautista sa "Headstart" ng ANC.

Hindi naman sinabi ng Comelec chair kung saang korte niya inihain ang mga reklamo.

Bukod dito, nakatakda ring magsampa ng kasong libel ang abogadong si Nilo Divina matapos siyang idawit ni Cruz-Bautista.

Inakusahan ni Cruz-Bautista ang kaniyang mister na may tagong yaman na hindi nakadeklara sa kaniyang statement of assests liabilities and net worth.

Sinabi ng Comelec chair na may halong pulitika ang pagsasalita ng kaniyang misis.

Aniya suportado siya ng kaniyang pamilya at ng  pamilya ng kaniyang asawa.

Inutusan naman ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang umano'y tagong yaman ni Bautista.

Show comments