Streamlining ng transportation agency sa bansa isinusulong

MANILA, Philippines -  Para iisang ahensiya na lamang ang mamamahala sa transportasyon sa buong bansa, isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagtatatag ng Land Transportation Authority, Philippine Railway Authority at Philippine Airports Authority.

Ito ang mungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang speech sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 17th Congress.

Ayon kay Alvarez, na malaki ang pangangailangan para ma-streamline ang land, railways, seaports at airports kaya dapat na pag-isahin na lamang ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation and Franchising Board (LTFRB).

Iginiit pa ni Speaker ang pagtatatag ng Philippine Railway Authority na magbibigay daan para magkaroon na lamang ng standard fare sa lahat ng railway sa bansa.

Kung mayroon naman umanong Philippine Airports Authority ay iisang charter na lamang ang gagamitin kumpara sa kasalukuyang sistema na ang mga airlines ay may kanya-kanyang charter kaya naman walang oversight at iisang standards na sinusunod. 

Show comments