Hapilon, duwag - Palasyo

Ayon kay Abella, kung sakaling totoo ito, lumalabas na duwag si Hapilon dahil iniwan ang kanyang mga kasamahang nakikipagbakbakan sa Marawi City. Photo via AP, File

MANILA, Philippines -  Tinawag kahapon ng Malacañang na isang duwag ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon kung totoong nakatakas na ito sa war zone ng Marawi City at iniwan ang kanyang mga tauhan at Maute brothers sa pakikipaglaban sa mga sundalo.

Ayon kay Abella, kung sakaling totoo ito, lumalabas na duwag si Hapilon dahil iniwan ang kanyang mga kasamahang nakikipagbakbakan sa Marawi City.

“If indeed true that Hapilon escapes, it’s a sign of Hapilon’s cowardice. But it will need verification,” sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

“Hapilon escape remains “raw” information, it will need verification,” paliwanag pa ni Abella.

Si Hapilon ay sinasabing itinalagang emir ng ISIS sa Asia region.

Show comments