Marawi balak gawing ‘tourism hub’

Plano ng Department of Tourism (DOT) na gawing tourism hub ang Marawi City sa sandaling matapos na ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group. File  

MANILA, Philippines - Plano ng Department of Tourism (DOT) na gawing tourism hub ang Marawi City sa sandaling matapos na ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.

Ayon kay DOT Undersecretary Frederick Alegre, may inihahandang draft na umano ang kagawaran para sa tourism plan ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito, umaasa raw siya na tuluyan nang masupil ng tropa ng pamahalaan ang Maute group sa mga susunod na linggo.

Nabatid na ayon sa militar, apat pang mga barangay na pinamumugaran ng Maute ang kanilang kini-clear.

Magugunita na ipinanukala ni Sen. Richard Gordon sa pamahalaan na gawing tourism hub ang Marawi city at iba pang munisipalidad na nakapaligid sa Lake Lanao.

Sinuportahan naman ng Malacañang ang panukalang ito ni Sen. Gordon na dating tourism secretary.

Show comments