^

Bansa

Higit 500 pulis idedeploy sa Eid’l Fitr

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Higit 500 pulis idedeploy sa Eid�l Fitr

Mahigit 500 pulis ang nakatakdang ideploy sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim sa Lunes (Hunyo 26). File


 

MANILA, Philippines - Mahigit 500 pulis ang nakatakdang ideploy sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim sa Lunes (Hunyo 26).

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Manila Police District (MPD) spokesman Supt. Erwin Margarejo, na ang mga pulis ay ipakakalat sa Quirino Grandstand sa Maynila upang tiyakin na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng okasyon.

Bukod dito, ayon pa sa opisyal ay ipakakalat din ang Special Reaction Unit (SRU) sa lugar habang may itatalaga ring Advance Command Post at karagdagang traffic personnel para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko.

“By Sunday, we will issue a traffic advisory by Sunday for the welfare of motorists. Aside from this, we will also send ambulance or health units in the area of activities,” anang opisyal.

Ang Ramadan ay isang importanteng selebrasyon at pagtitipon ng mga Muslim bilang tanda ng pagtatapos ng isang buwang Ramadan na tradisyunal na inoobserbahan ng mga Muslim.

Una nang nagdeklara ng public holiday si Pangulong Duterte sa panahon ng “Pagwawakas ng Ramadan” o Eid-al-Fitr na siya ring pagtatapos ng pag-aayuno ng mga Muslim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with