Dasal laban sa terorismo hingi

MANILA, Philippines -  Kasabay ng pagsisimula ng Ramadan, nanawagan ang Malacanang sa mga mamamayan na makiisa sa pagdasal para mahinto na ang terorismo at ang kaguluhan sa Marawi City.

Sa pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na nakikiisa ang Palasyo sa mga Filipino Muslim sa paggunita nila ng isang buwang Ramadan.

Ayon pa kay Abella, ginagamit lamang ng mga terorista ang pagsusulong sa Islam para masakop ang bansa ng brutal na Islamic State.

 Idinagdag ni Abella na ipinapahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagustuhan nito na magkoon ng pag-uusap para maiwasan ang pagdanak ng dugo ngayong panahon ng Ramadan.

Umaasa rin si Abella na sa pamamagitan ng pana­langin ay maibabalik ang katahimikan sa Mindanao.

Show comments