Digong lalabas muli ng bansa

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar, unang dadalo si Pangulong Duterte sa World Economic Forum on ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) mula May 10 hanggang 11 sa Cambodia.
Presidential Photo/Simeon Celi Jr.

MANILA, Philippines -  Biyaheng Cambodia, Hong Kong at Beijing si Pangulong Rodrigo Duterte sa linggong ito upang makapulong ang mga world leaders at dadalo sa economic events kung saan ay ibibida nito ang kanyang Dutertenomics.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar, unang dadalo si Pangulong Duterte sa World Economic Forum on ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) mula May 10 hanggang 11 sa Cambodia.

Dadalo si Pangulong Duterte sa WEF bilang chairman ng ASEAN at dito ay magkakaroon siya ng pagkakataon upang ibida ang kanyang Dutertenomics.

Mula sa Cambodia ay didiretso si Pangulong Duterte sa Hong Kong upang makipag-usap sa libu-libong Overseas Filipino Workers.

Mula Hong Kong ay didiretso si Pangulo sa Beijing sa May 13 upang dumalo naman sa One Belt and Road Forum for International Cooperation. Inimbitahan si Duterte ni Chinese President Xi Jin Ping.

Show comments