7 libong bakawan naitanim para 2017 Earth day

MANILA, Philippines - Nakapagtanim ng may pitong libong mangrove o bakawan ang west zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) at ibang partner organizations sa kahabaan ng Manila Bay at mga baybayin ng Noveleta at Cavite bilang paggunita sa pagdiriwang ng Earth Day  ngayong 2017.

Kasama ng Maynilad Waters ang pamunuan ng DENR, Provincial Environment at Natural Resources Office of Cavite gayundin ng lokal na pamahalaan ng Noveleta.

Ang aktibidad ay bahagi ng “Plant for Life” program ng Maynilad na isang long-term refo­restation at afforestation initiative para mapababa  ang carbon emissions at mapahusay ang kalidad ng raw water sa mga baybayin sa bansa.

Kasama rin sa aktibidad ang mga volunteers ng Maynilad, Bureau of Fire Protection-Nove­leta, Catholic Women’s League, Cavite State University-Student Go­vernment Council, at Philippine Coast Guard na nagtanim ng  7,000 mangrove propagules sa may dalawang ektaryang site.

 

Show comments