Digong biyaheng M. East sa Semana

MANILA, Philippines -  Biyaheng Middle East si Pangulong Duterte sa panahon ng Semana Santa.

Magtutungo ang Pangulo sa Middle East mula Abril 10-16 para sa official visits sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Unang bibisitahin ni Duterte ang Bahrain kasunod ang Saudi Arabia at Qatar kung saan ay inaasahang makikipagpulong din ito sa Filipino community sa nasabing mga bansa.

Umaasa din ang Malacañang na magiging mabunga ang pagbisita ng Pangulo sa nasabing mga bansa upang hikayatin ang mga investors na mag-negosyo sa Pilipinas.

Show comments