DOT: Video ni Leni, pahirap sa turismo

MANILA, Philippines -  Malaking dagok umano sa turismo ng bansa ang video message ni Vice Pres. Leni Robredo sa United Nations (UN).

Ito ang pag-amin ni Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo kung saan binatikos ang anti-drug war ng Duterte administration na sanhi umano ng mga extra-judicial killings na nagaganap.

Sinabi ni Teo, ang mga ganitong pahayag at alegasyon ay nagpapahirap sa kanilang trabaho para ibenta at ipakilala bilang tourist destination ang Pilipinas.

Ayon kay Teo, kahit saan siya magpunta ay lagi siyang natatanong kung totoo ba ang extra-judicial kil­lings sa bansa at lagi niyang tinitiyak na ligtas mamas­yal sa Pilipinas kasabay ng paghikayat na magpunta sila rito para patunayan ito sa kanilang mga sarili.

Kasabay nito, umaapela si Teo kay Robredo at sa media na kung maari ay i-tone down o huwag masyadong palakihin ang isyu ng extra-judicial kil­lings sa bansa.

“Yung mga statements na ganun it really, nahihirapan kaming i-sell ang Philippines. So I hope we could, kung pwede, even it’s not only refer to VP Leni but also to the media to please medyo i-tone down natin ‘yung extra-judicial killing dahil because I’m always asked wherever I go even in Asia and Europe, totoo ba ito and I would say it’s safe in the Philippines and I would always ask them to come,” ani Teo.

Show comments