P.5-M sunog sa Pasay City

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P500,000 ang mga ari-arian na napinsala habang limang katao nasugatan kabilang ang dalawang bumbero matapos masunog ang isang gusali na pinag-iimbakan ng mga kitchen ware kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ayon kay Supt. Carlos Dueñas, Pasay City Fire Marshall, nagsimula ang sunog dakong alas-6:30 ng gabi sa rooftop ng Ramesh Trading Corporation, na may apat na palapag, na mata­tagpuan sa Arnaiz Avenue, Brgy. 108 ng naturang lungsod.

Alas-11:00 ng gabi nang ideklarang fireout ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Show comments