Ex-Army, huli sa drug raid

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines--Nasakote ng pulisya ang isang dating Army corporal matapos masamsaman ng droga ang kanyang kuwarto kasunod ng isinagawang raid sa kanyang bahay sa Barangay Guibang, Gamu, Isabela kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Ricardo Salada, hepe ng Gamu Police ang naaresto na si Domingo Manuel Jr., 44 na sumama na ito sa Oplan Tokhang ng pulisya noong nakaraang taon bilang tulak.?

Nakuha kay Manuel ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at sari-saring mga drug paraphernalia. ?

Sinabi ni Salada na isinailalim nila sa surveillance si Manuel matapos matanggap ang mga report ng pagpunta ng mga kahina-hinalang tao sa kanyang teritoryo ilang metro lamang ang layo sa barangay hall.

Show comments