5 bebot tiklo sa buy bust!

BULACAN, Philippines --- Kalaboso ang limang babae kabilang ang isang menor-na-edad na gina­gamit bilang courier ng shabu ang naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Bunducan at Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Norma Falle 38, Jhoana Marie Real 29 mga Guest Relation Officers at re­sidente ng Brgy. Bunducan, Haydee Domingo 24 ng Brgy.Caingin, isang 14 anyos na babae ng Brgy. Bambang pawang sa bayang ito at Teodola Domingo 48 ng Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto.

Sa ulat ni P/Supt. Jowen Dela Cruz dakong alas 2:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation sa naturang magkahiwalay na lugar.

Narekober sa dalawang operasyon ang kabuuang 43 sachet ng shabu, dalawang di­gital weighing scale,iba’t ibang mga drug paraphernalias at dalawang P500 pisong marked money.

Show comments