424, 223 pamilyang naapektuhan ng bagyong Nina, nailikas na

MANILA, Philippines – Umabot na sa 424, 223 pamilya (1,893,404-katao) na naninirahan sa 1, 698 barangay sa CALABARZON, MIMAROPA, at Regions V at VIII ang inilikas makaraang maapektuhan ng Bagyong Nina simula noong Dec. 31, 2016.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive director Ricardo Jalad kaugnay sa update ng kagawaran sa sitwas­yon sa nasabing bagyo.

Sa 46,798 pamilya o 229, 901 katao ang nasa 280 evacuation centers habang apat na pamilya o 20 katao ang tinutulungan ng mga lokal na pamahalaan sa labas ng evacuation centers.?

Nabatid na nasa kabuuang 98,771 pamilya (487,825-katao) ang inilagay na sa pre-emptively evacuated bago ang pananalasa ang “Nina’s” noong Dec. 25 at 26 sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions V at VIII.?

Napag-alamang tatlo-katao tao ang iniulat na namatay at karagdagang 2-katao naman ang nawawala sa mga rehiyon.

Nasa kabuuang 248, 788 kabahayan ang iniulat na nawasak sa CALABARZON, MIMAROPA, at Region V.?

Tinatayang aabot naman sa P5,143,251, 894.10 ang nawasak sa imprastraktura at agrikultura sa CALABARZON, MIMAROPA, at Region V kung saan mas mababa sa P4,121,697,999.10 para sa agrikultura at P1,021,553,895 para sa imprastraktura.

Show comments