Duterte may utang na loob kay Imee Marcos

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang utang na loob kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sinabi ni Duterte ngayong Huwebes na tatlong tao ang pinagkakautangan niya ng loob at isa rito ay si Marcos.

Aniya tinupad niya ang kaniyang pangako na ilibing ang dating Pangulo Ferdinand Marcos.

“Wala akong utang na loob, except to three or four persons. One of them is Imee, I promised in the debates I would bury her father in the Libingan ng mga Bayani," Duterte said in an interview with CNN Philippines.

Nauna nang inamin ni Duterte na si Imee Marcos ang isa sa mga politikong pumondo sa kaniyang kandidatura ngunit hindi ito nakasaad sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures.

Sinabi ng gobernador na nagbibiro lamang ang Pangulo nang sinabi niya ito.

"Ang totoo wala naman donasyon and there's no sinister x-deal behind the curtain somewhere. It's absolutely untrue and I'd like to disabuse that," wika ng nakababatang Marcos sa ANC.

Makalipas ang ilang dekada ay nailibing na rin ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani noong Nobyembre 18.

Sinalubong naman ito ng kabi-kabilang kilos protesta bilang pagkontra dito.

Show comments