Titser inaresto sa rape

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang isang 32- anyos na titser makaraang arestuhin ng mga awtoridad sa loob ng Manito National High School sa Purok 7, Sitio Balading, Brgy. Itba,  Manito, Albay kamakalawa.

Kinilala ni  Senior Superintendent Antonino Cirujales, Provincial Director, ang suspek na si Zamudio, binata, at guro ng nasabing paaralan.

Ang pag-aresto sa suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Theresa G. San Juan-Loquillano, Presiding Judge ng  RTC, Branch 9, Legazpi City  sa kasong rape in relation to RA 7610.

Kasalukuyang naghihimas na ng rehas na bakal ang nasabing titser matapos na walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.  

 

Show comments