MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon, muling pinalawig ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order sa planong paghihimlay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay SC spokesperson Atty. Theodore Te, nagpasya ang mga mahistrado na muling palawigin hanggang November 8 ang status quo ante order para sa Marcos burial.
Aniya, kahapon pa lamang umikot sa mga mahistrado ang dalawang opinion na may kinalaman sa kaso.
Kailangan ang walong boto ng mga mahistrado upang matuloy ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Unang nagpalabas ang SC ng status quo ante order noong Agosto 23 na magtatapos sana noong Setyembre 13 pero pinalawig ito ng Korte Suprema hanggang Oktubre 18.