Jun Lozada kulong ng 10 taon!

MANILA, Philippines – Pinatawan ng anim hanggang 10-taon na pagkakakulong ng Sandiganbayan ang whistleblower sa kontrobersyal na NBN-ZTE deal na si Jun Lozada.

Ito ay dahil sa paglabag sa Section 3-E ng Anti Graft Law o causing undue injury to the government.

Inabsuwelto naman si Lozada ng anti-graft court 4th division sa paglabag sa Section 3-H ng anti-graft law o pagkakaroon ng pinansyal na interes sa transaksyon.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y iregularidad sa pag-award ni Lozada ng lease contract sa kapatid nitong si Jose Orlando at sa isang pribadong kumpanya noong siya pa ang presidente ng Phil. Forest Corporation o Philforest.

Binigyan naman ng Sandiganbayan si Lozada ng 15-araw para i-apela ang hatol sa kanya.

Show comments